【jiakaira】Hated by life itself. 命に嫌われている。/Kanzaki Iori『Filipino/Tagalog Cover』
inochi ni kirawarete iru / hated by life – カンザキイオリ (歌ってみた) [covered by kaira]
–
i crammed this bc my internship starts in a day…. i apologize for the wonky video and mix aksjdgs but please appreciate this beautiful art by hannie !!
mafu's cover has been my comfort song in the past seven years,, it took so long for me to sing this—in my mother tongue as well ;w; the last chorus was (surprisingly) done in two takes LOL i decided to keep the voice crack at the very end
i hope everyone is doing okay! don't be scared to reach out to someone in times like these (tldr; don't be like me. i have people allergy & trust issues)
🤍
mp3 ➝ https://tinyurl.com/3k2jctyh
❅
vocals, mix, filipino lyrics: https://x.com/jiakaira
illustration: https://x.com/hanadahajime_
credits: @IoriKanzaki
vocal | 初音ミク
music | カンザキイオリ
english subtitles | Forgetfulsubs
original: https://youtu.be/0HYm60Mjm0k
–
LYRICS:
"Huwag mong sayangin ang buhay mo
Kahit pasuko na, ipilit mo"
Laging bukambibig ng mga himig
Oh 'di ba? Parang tanga
Kung ako ma'y mawala, ‘di na bale
Pero 'pag kayo, baka 'di ko kayanin
Pilit na itinatanggi sa hangin
"Ayokong masaktan"
Buhay, 'pag 'di mo kilala, 'di mahalaga
Kay daling malunod sa mundong mapanira
Pero ang hiling ay mamuhay nang payapa
Ano ba ang mas gusto mo?
Daming binabalitang buhay na nasayang
Pighating dinadaan sa mga kanta at ang
Batang nakakita, mali ang akala
Ang patalim, tinakbo niya
Tila ba ang buhay mismo sa 'tin ang umaayaw
Pati ang gusto'y pinipilit sa iba
Kahit pa sa radyo, tumatak ang mga lirikong
"Oh, ba't hindi ka magpakamatay?"
Tila ba ang buhay mismo sa 'tin ang umaayaw
Kahit tayong sumisigaw, "ayoko na"
Kahit na 'di seryoso bawat paghinga
Tila ba ang buhay mismo sa 'tin ang umaayaw
‘Di naman ako kumakayod, pinipiling gayahin ang mga patapon
‘Di ko rin alam ba’t humihinga pa, kung ako nama’y walang silbi sa mundong ‘to
Sabi ng iba “Ah, pagod ka lang,” pero para bang ang babaw ng gano’ng salita
Sobrang bigat ng may pinapasan, ngayon, ito’y itutulog ko na lang
Parang dati tayo’y bata pa at biglang nililok nitong panahon
Tatanda’t malalanta tulad ng mga dahon, darating ang araw, sa limot ibinaon
Imortal na katawan at kaluluwa ko, dadalhin hanggang maubos ang mga taon
Nasa isipan ko lang naglalaro
Maglaho man, sa ‘kin ay balewala
Ngunit para sa iba, hindi pwedeng gano’n na lang
Kahit ‘di mapigilan ang pangungulila, ako pa rin ang may gawa
“Tamang diskarte, ‘wag na ‘wag kang magkakamali”
“Ayaw mamatay, damhin mo ang bawat sandali”
Kalungkutan din, ating tadhana sa huli kaya
Matutong lumaban hanggang dulo
Tila ba ang buhay mismo sa 'tin ang umaayaw
Ligaya ko’y hindi ko na maramdaman
Sobrang hirap lang mahalin ng mundo kong ito
Kung ang bangungot ko’y naroroon
Tila ba ang buhay mismo sa 'tin ang umaayaw
Pati ang paalam, hinahanap-hanap ko
Ano nga bang halaga nitong tunay?
At tila ang buhay mismo sa 'tin ang umaayaw
Ligaya’t pagluha, puso ko’t puso mo
Kung kaya palang bilhin ng salapi, sino ba talagang niloloko niyo?
Pa’no kung bukas na ‘ko mamatay
Ang mga pinagdaanan ko’y walang saysay
Gabi o umaga, ano man ang klima
Lahat ay maglalaho, kahit sa’n ka mapunta
Pangarap o bukas, ‘di na kailangan pa
Basta’t nandito ka, ito ang tangi kong hiling
Sana’y pakinggan
Ang himig kong inaalay
Buhay mismo sa 'tin ang umaayaw
Kamatayan din sa ‘tin ang naghihintay
Pagdating mo, pagdating ko sa huling hantungan, parang dahong malalanta
Kahit ganito, pilit pa rin tayong humihinga
Sa bigat ng puso, patuloy na humahakbang
Nalunod, naghirap, tumawa, ang buhay
Hinding hindi, hinding hindi pa tapos
❅
ありがとうございました! (๑•̀ㅂ•́)و✧