jPoP Music – vTube

【jiakaira】Tracing that Dream あの夢をなぞって/YOASOBI『Filipino/Tagalog Cover』

Jan 02, 2025 jiakaira

ano yume wo nazotte / tracing a dream – yoasobi (歌ってみた) [covered by kaira]

–

happy new year !! ❇

mp3 ➝ ​https://tinyurl.com/34h96nf3

❅

vocals, mix, filipino lyrics: https://twitter.com/jiakaira

credits: @Ayase_YOASOBI
vocal | ikura
music | Ayase
guitar | Rockwell
MV | 頃之介古論

original: https://youtu.be/sAuEeM_6zpk

–

LYRICS:

Pagmulat ko, ang langit, tila namumulaklak
At binalot ng gabing ‘to, mga himig na naroroon
Ang tanging narinig sa mundong tayo lang ang magkasama ay
“Ikaw ang iniibig ko”

No’ng mayro’ng nakita tungkol sa hinaharap ko
Ang ating mga anino, para bang magkatabi roon
Sa huling pagsindi ng ilaw, kinulayan ang kalangitan
Tila may sinasabi

Isang umaga’y napatingin sa ‘yong mga gawi
At hindi ko mahanap, lakas ng loob kong lapitan ka
'Di ko magawa, ah
Dahil laging bumabalik-balik sa isip ko
At hanggang ngayon ay rinig ang ‘yong mga salita

Ah, paglipas ng gabi, gusto kong habulin
Imahe sa ‘king panaginip
‘Yon nga ba? Aking mithiin…
‘Yon nga ba? Hanggang ngayon
Dama ang takot ko pero siguradong
Aking isasantabi, bukas ay darating
Sa paraisong para sa ‘tin
Nais ko, 'wag ka munang bibitiw sa pangako
Hindi ko pa naririnig ang mga kataga no’ng gabing ‘yon

Tanging buwan lang ang saksi
Sa pagkikitang ‘to ngayon
‘Di makapaniwalang kay tagal kong naghintay rito
At ang himpapawid parang pinag-isa sa ‘king panaginip
Sabay ng pagsindi
At dahil nandirito ka, ito’y magkakatotoo

Tumingala ka sa kalangitan at sa iyong ganda
Bigla akong narahuyo, ah
Masdan mo kung pa’no ‘di nagkalayo ang
Mundong ‘to sa panaginip ko
Ito na nga, ika’y kasama ko ngayon

Ah, ngayong magkatabi, buwan ay naghahari
Tila ako’y nananaginip
Dahil siguradong kaya kong ipadama sa ‘yo
Nang mas hihigit pa sa ‘king sinabi
Ah, mula ngayong gabi’t araw na darating
Kasama ka, tulad ng dati
Nais ko, 'wag munang matapos ang gabing ito
Hanggang sa pagputok ng mga kulay at damdaming nakatago
Aking narinig,
“Ikaw ang nasa puso’t isipan ko”

❅

ありがとうございました! (๑•̀ㅂ•́)و✧